DSWD Educational Assistance, Ipinamahagi para sa halos tatlong libong Grade School Students sa Cavite City

Sa pamamagitan ng ating Department of Social Welfare and Development (DSWD), natanggap na ng mga magulang at guardians ang tulong pang-edukasyon para sa 2,913 grade school scholars sa Cavite City.

Ang tulong na ito ay mula sa buwis ng taumbayan na ibinabalik bilang bahagi ng mga programang gaya nito, na naglalayong maibsan ang gastusin sa pag-aaral ng ating mga kabataan.

Nais nating pasalamatan ang walang sawang pag-agapay ng DSWD upang mas marami pang estudyanteng Caviteño ang mabigyan ng pagkakataong makapagpatuloy sa kanilang pag-aaral.

Patuloy nating pagsisikapang suportahan ang mga programang pang-edukasyon sa ating Distrito, sapagkat ito ang isa sa pinakamahalagang puhunan para sa kinabukasan ng ating mga kabataan. #CaviteCity #CaviteFirstDistrict #Cavite #JoloCares #AlagangRevilla #IskolarNgBayan #DSWDEducationalAssistance