Karagdagang mga rehistradong drayber at operator ng tricycle sa Kawit ang napamahagian ng cash assistance upang magsilbing dagdag-pantustos sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Bilang isa sa mga pangunahing katuwang sa araw-araw na biyahe ng ating mga kababayan, mahalagang mabigyan sila ng suporta para makatulong sa naging epekto ng pagtaas ng presyo ng petrolyo at iba pang pangunahing gastusin.
Mula sa buwis ng taumbayan, ang pondong ito ay naibabalik sa mga mamamayan sa pamamagitan ng mga programang naglalayong magbigay ng ginhawa at tulong sa mga higit na nangangailangan.
Maraming salamat sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite—sa pangunguna nila Gov. Abeng Remulla, Vice Gov. Ram Revilla Bautista—at sa lahat ng naging katuwang sa programang ito. Patuloy nating pagsikapang mailapit ang mga serbisyong may tunay na pakinabang sa bawat pamilyang Caviteño. #Arangkada #CashRelief #ProvincialGovernmentOfCavite #TODAAssistance #Kawit #CaviteFirstDistrict #JoloCares #AlagangRevilla
