Sa ikatlong pagkakataon ay idinaos sa City of Carmona ang 9th Gawad Bandila ng Department of Education (DepEd) Cavite. Ito ay upang bigyang pagkilala ang mga natatanging guro sa kanilang kontribusyon at inobasyon na nagbunga ng mga breakthroughs at nagsilbing trailblazers ng kanilang mga paaralan.
Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa inyong ibinihaging ispesyal na programa sa inyong lingkod, kasama si Cong. Roy M. Loyola, hudyat ng ating pagkakaroon ng panibagong DepEd School Division para sa City of Carmona. Lugod po naming ikinagagalak ang inyong ipinakitang pagpapahalaga.
Maraming salamat din po sa iba pa nating nakasama sa programa tulad nina Dr. Elpidia B. Bergado, PRAISE Committee Chairperson, Atty. Janine Nicole O. Chua ng DepEd Central Office, Atty. Alberto T. Escobarte, CESO II ng DepEd CALABARZON, Schools Division Superintendent Dr. Rosemarie D. Torres, CESO IV, at si Dir. Jeffrey C. Cruz ng Civil Service Commission Cavite Field Office. Taos-pusong pasasalamat din kay Atty. Filemon Ray L. Javier, DepEd Undersecretary Legal and Legislative Affairs, na nagsilbing Panauhing Tagapagsalita ng nasabing programa.
Congratulations po sa lahat ng 9th Gawad Bandila Awardees, Gawad Tagapamanihala Awardees, at Gawad Pagpapahalaga sa Matapat na Paglilingkod Awardees ngayong taon! #GawadBandila #9thGawadBandila #DepEd #DepEdCavite #CityOfCarmona #LungsodNgCarmona #LGUCarmona #BayanMunaLagi #DapatAngatLahat