Tulong Dunong para sa Kabataang Bacooreño

Sa bawat batang nangangarap at sa bawat magulang na nagsasakripisyo, ang Tulong Dunong Program ng Commission on Higher Education ay para sa inyo.

Isang taos-pusong pasasalamat sa ating mga taxpayers—dahil sa inyong kontribusyon, patuloy nating nabibigyan ng pag-asa at pagkakataon ang mga kabataang Pilipino na maabot ang kanilang mga pangarap.

Sa ating Kabataang Bacooreño, ipagpatuloy ninyo ang pag-abot sa inyong mga pangarap. Huwag kayong titigil mangarap, dahil ang edukasyon ang inyong sandata tungo sa pagbabago, hindi lamang para sa inyong mga sarili, kundi para rin sa kinabukasan ng ating bansa.

Maaasahan ninyo na ang inyong Ate Lani ay palaging naririto upang isulong ang inyong kapakanan at suportahan ang inyong paglalakbay tungo sa tagumpay. #AlagangAteLani #TulongDunongProgram #AlagangAteLaniEdukasyon