Sunog sumiklab sa Cavite: 1K pamilya natupok ang bahay

Sumiklab ang malaking sunog sa dalawang residential area sa magka­tabing barangay sa lungsod ng Bacoor, kahapon.

Sa ulat, umabot ng 5th alarm ang nasabing sunog sa Brgy. Talaba 2 at Brgy. Zapote 3 sa Bacoor City na nagsimula bandang alas-12:05 ng tanghali.

Dahil sa dikit-dikit ang kabahayan sa nasabing mga lugar, halos wala nang matakbuhan ang mga residente kung saan ang karamihan ay nagsitalunan sa ilog upang makaligtas lamang.

Umabot sa mahigit 1,000 na pamilya ang naapektuhan sa sunog na tumagal ng may anim na oras bago ito tuluyang naapula.

Kasalukuyan pang inaalam ng Bureau of Fire Protection ang pinagmulan ng sunog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *