Lubos na ipinagmamalaking ipinababatid sa lahat na muling kinilala ang Pamahalaang Lungsod ng Carmona, sa pamamagitan ng Office of the City Health Officer, sa Gawad Dugong CALABARZON 2024 bilang TOP 1 o GOLD AWARDEE ng naturang parangal.
Ito ay bilang parangal sa ating matagumpay na pangongolekta ng dugo, mahusay na pangangasiwa, at epektibong pagpapatupad ng Voluntary Blood Services Program sa CALABARZON na siyang dahilan upang mapagkaloob ang sapat at ligtas na suplay ng dugo upang mapabuti ang kalusugan ng mamamayan sa komunidad.
Taos-pusong pasasalamat sa DOH Center for Health Development – CALABARZON sa pagkilalang ito. Ang tagumpay na ito ay tagumpay ng ating mga blood donors – ang mga makabagong bayani! #GawadDugongCALABARZON2024 #GawadDugong #CityOfCarmona #LungsodNgCarmona #LGUCarmona #BayanMunaLagi #DapatAngatLahat