Kawit Marian Celebration 2025: 40 Taong Alay kay Maria, Patuloy sa Landas ng Pag-asa

Matagumpay na binuksan ang Kawit Marian Celebration 2025 na may temang “Sa Paglalakbay ng Sambayanan: 40 Taong Alay kay Maria, Patuloy sa Landas ng Pag-asa” sa Diocesan Shrine and Parish of St. Mary Magdalene.

Pinangunahan ni Rev. Fr. Efren Bugayong, JCD, JD ang Banal na Misa at naggawad ng parangal kina Bro. Joel A. Cadiz, Founder ng Committee on Marian Celebrations (CMC), at kay Sis. Zenaida A. Pobre bilang matagal nang katuwang ng CMC mula 1985.

Sinundan ito ng prusisyon ng Mahal na Birhen patungong Parish Pastoral Hall para sa pagbubukas ng 40th Kawit Marian Exemplication, tampok ang iba’t ibang imahen ng Mahal na Birheng Maria bilang patunay ng malalim na debosyon ng mga Kawiteño.

Bukas ang Pastoral Hall mula Setyembre 4–12, 2025, 7:00 AM–8:00 PM, na may kasabay na 5:30 PM Novena at 6:00 PM Banal na Misa.

Inaanyayahan ang lahat ng deboto at mamamayan na makiisa sa makasaysayang pagdiriwang na ito ng pananampalataya.

“Ad Jesum per Mariam!”

Sulat ni Rhouz Camposanto