July First Monday Flag Raising Ceremony

Sinimulan natin ang linggo sa isang makabuluhan at kalugod-lugod na Flag Raising Ceremony, sa pangunguna ng mga opisyal at kawani ng Lokal na Pamahalaan—isang pagpapakita ng pagkakaisa, dedikasyon, at paninindigan sa tunay na paglilingkod sa bayan.

Naging produktibo rin ang umagang ito dahil sa naging pag-uusap at pagsasama natin ng mga masisipag na Punong Barangay mula sa iba’t ibang bayan, mga prinsipal mula sa Amadeo at Mendez, at mga kinatawan ng Commission on Population and Development (POPCOM) Regional Office. Kasama rin natin ang ilang kawani mula sa ating Capitolyo sa isang makabuluhang talakayan ukol sa mga programang makatutulong sa ating mga komunidad.

Maraming salamat sa inyong pakikiisa at walang sawang suporta para sa ikabubuti ng ating lalawigan at mamamayan.