Pinangunahan ni City Vice Mayor Cesar L. Ines, Jr. at ng mga Sangguniang Panlungsod Members ang distribusyon ng tulong pinansyal para sa 116 beneficiaries ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development at ng ating Office of the City Social Welfare and Development Officer.
Ang programang ito ay naglalayong makatulong sa mga mamamayan ng City of Carmona para sa kanilang pambili ng gamot at ng mga araw-araw na pangangailangan. #CityOfCarmona #LungsodNgCarmona #LGUCarmona#BayanMunaLagi #DapatAngatLahat
