Nagkaroon tayo ng courtesy call kasama sina Regional Director PBGEN Jack Wanky at Provincial Director ng PNP PCOL Dwight Alegre, ang Bureau of Fire Protection – Cavite sa pangunguna ni FSUPT Genalyn Cabasal, at ang Provincial Prosecutor ng ating lalawigan sa pangunguna ni Ms. Vivian Rojo. Kasama ang ilang kinatawan mula sa LandBank.

Nagpapasalamat tayo sa iba pang mga bisita pati na din sa aking kapatid na si Congressman Ping Remulla na patuloy na katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan para sa mas ligtas, maayos, at maunlad na Cavite.
Tuloy-tuloy ang pagtutulungan para sa bawat Caviteño. #Cavite #MulaSaBayanParaSaBayan
